-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Inamin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na aabot sa 10 kada araw na recruitment agency ang pinapatawan ng suspensyon mula ng magkaroon ng pandemya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni POEA Administrator Atty. Bernard Olalia na kapag nakakaranas ng physical abuse ang mga OFWs lalo na ang mga domestic helper ay pinapadalhan nila ng notice of repatriation ang kanilang agency para matulungang makauwi.

Gayunman kapag hindi nagampanan ng agency ang notice of repatriation ng POEA ay agad silang magpapataw ng suspension at hindi makapagproseso at makapagdeploy ang naturang recruitment agency.

Kapag tumulong sila at ginawa ang kanilang responsibilidad ay saka lamang matatanggal ang kanilang suspensyon.

Aniya, ngayong may pandemya ay hindi bababa sa sampo ang kanilang nasususpinde sa bawat araw.

Karaniwan naman sa hindi natutugunan ng mga agencies ay Contract violation, sinasaktan at maraming trabaho ang isang OFW.