-- Advertisements --
Inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Malabon na 10 sa 21 barangays sa lungsod ang COVID-free na.
Base sa talaan ng COVID-19 update ng Malabon City Health Department, kasama sa listahan ng COVID-19 free barangays ang Barangay Tañong at Concepcion.
Inanunsiyo rin nito na patuloy ang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan nasa 36 na lang ang bilang ng nagpositibo sa virus sa kanilang lugar.
Dahil dito, ang Malabon na ang may pinakamababang bilang ng COVID-19 active cases sa CAMANAVA, sinusundan ito ng Navotas na may 44 cases; Valenzuela na 66 cases at Caloocan na may 142 cases.