Ikinokonsidera ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagbalangkas ng master plans para sa pagtatayo ng 10 seaport terminals sa bansa sa buwan ng Agosto.
Ito ay kasabay na rin ng layunin ng pamahalaan na mapag-ibayo pa ang cargo movement at mga aktibidad sa turismo.
Ayon sa PPA, isang bidder ang nagpahayag ng intensiyon na kumuha ng P32.29 million consulatancy services contract para sa pagsasagawa ng feasibility studies at pagbuo ng master plans saklaw ang iba’t ibang seaports.
Ang mga terminals na ito ay sa Pasuquin, Ilocos Norte; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Taytay, Palawan; Buenavista, Guimaras; San Carlos, Negros Occidental; Dumaguete, Negros Oriental; Lazi, Siquijor; Catbalogan, Samar; Zamboanga, Zamboanga del Sur; at Cagdianao, Dinagat Islands.
Nakatakdang magsumite ang naturang bidder ng karagdagang requirements para sa naturang proposal.
Sakaling makwalipika ito, igagawad ang naturang kontrata sa Hulyo.
Bibigyan ang mapiling bidder para sa proyektong isang taon mula ng matanggap ang notice para magpatuloy sa pagkumpleto ng pag-aaral sa nasabing proyekto.