Nakapagtala ang Commission on Elections (Comelec) ng 10 aspirants na humalili sa national elective posts sa 2022 national elections.
Samantala, may kabuuang 15 aspirants ang boluntaryong nag-withdraw ng kanilang certificates of candidacy (COCs) para sa substitution at withdrawal mula Oktubre 9 hanggang Nobyembre 15.
Kabilang sa mga nag-withdraw at substitution sina Sen. Christoper “Bong” Go, na umatras sa pagka-bise presidente para tumakbong presidente, at Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, na binawi ang kanyang COC para sa pagkapangulo nang tuluyan.
Isa pang kapansin-pansing pagbabago sa listahan ay ang ginawa ng beteranong mamamahayag kamakailan na si Noli de Castro’ na nag-withdraw ng kanyang COC noong Oktubre 13, at pinalitan ni Joseph “Jopet” Sison.
Iba pang mga kilalang aspirants na pinalitan para sa hindi gaanong kilalang mga filer — na-tag bilang “mga placeholder” — para sa kani-kanilang mga posisyon:
Si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na pumalit kay Lyle Uy sa pagka-bise presidente
Habang si Pangulong Rodrigo Duterte na pumalit kay Liezl Vizorde sa pagka-senador
Dating anti-communist insurgency task force spokesman Antonio Parlade Jr. na pumalit kay Antonio Valdes para kumandidato sa pagka-pangulo
Dating chief of police Guillermo Eleazar na pumalit kay Paolo Capino sa pagka-senador.
Dating presidential spokesperson Harry Roque na pumalit kay Paolo Martelino.
Samantala, napansin ni Comelec spokesperson James Jimenez ang pagtaas ng bilang ng mga substitutions sa mga national posts.
Nagpaalala si Jimenez na simula nitong Nov. 16, ang mga aspirants ay papayagan pang mag-withdraw ng kanilang mga COC anumang oras ngunit wala nang mga substitution ang tatanggapin para sa boluntaryong pag-withdraw.