-- Advertisements --
Sugatan ang nasa 10 katao matapos na mag-overshoot ang isang pampasaherong eroplano sa Senegal.
Agad na dinala sa pagamutan ang mga sugatang biktima.
Ang eroplano na Boeing 737-300 ay pag-aari ng Air Senegal at patungo sana ito sa Mali.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Blaise Diagne airport ukol sa nasabing insidente.