-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naisugod sa pagamutan ang 10 katao nang bumaliktad ang isang mini-dumptruck sa probinsya ng Cotabato.

Sa report ng Pigcawayan PNP, may iniwasan umanong tao ang isang yellow mini-dumptruck sa Sitio Barugkot Barangay Kimarayag Pigcawayan Cotabato kung kayat nawalan ng kontrol ang driver sa manibela hanggang sa ito ay bumaliktad.

Sampu katao ang nagtamo ng minor injuries na agad dinala sa pagamutan.

Samantala, ang isa pang sasakyan ay nawalan din ng preno at nahulog sa bangin di kalayuan sa unang aksidente.

Wala namang nasugatan dahil nakatalon ang driver at dalawa nitong kasama.

Nagpaalala naman ang PNP Traffic Unit ng Pigcawayan Cotabato sa mga driver ng mga sasakyan na maging maingat sa pagmamaneho sa naturang lugar dahil sa paakyat itong kalsada at accident prone area.