-- Advertisements --

Sugatan ang 10 katao matapos ang pamamaril sa Union station sa Kansas City.

Naganap ang insidente matapos ng victory parade ng football team na Kansas City Chiefs na nagkampeon sa NFL Super Bowl 58 laban sa San Francisco 49ers.

Ayon sa mga kapulisan na mayroon na silang dalawang suspek na hawak.

Dahil sa insidente ay kinordon na ng mga kapulisan ang lugar at dinala sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Patuloy ang ginagawan imbestigasyon ng mga otoridad sa dalawang suspek na kanilang naaresto.