-- Advertisements --
Sugatan ang hindi bababa sa 10 katao matapos ang naganap na pamamaril sa labas ng isang night club sa New York City.
Base sa imbestigasyon nasa labas ng club ang 15 katao ng biglang dumating ang nasa apat na katao ay walang habas na namaril.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga hindi pa nakilalang mga suspek.
Ang mga biktima ay nasa edad 16 hanggang 20-anyos na naghihintay na pumasok sa club para sa isang private event.
Dinala na sa pagamutan ang anim na babae at apat na lalaki kung saan sila ay patuloy na nagpapagaling.
Naniniwala ang mga otoridad na isang uri ng gang-related ang insidente at walang kaugnayan sa anumang terorismo.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga namaril na suspek.