-- Advertisements --

Sugatan ang 10 katao sa nangyaring mass shooting sa New York City.

Dinala na agad ang mga biktima na may edad 19 hanggag 72 na nagtamo ng hindi malalang sugat.

Sinabi ni Assistant Chief Galen Frierson ng New York Police Department na nirespondihan nila ang nasabing tawag ng pamamaril.

Base sa imbestigasyon bigla na lamang binaril ng apat na hindi pa kilalang suspek ang mataong lugar sa 97th Street.

Pinaghahanap na ng mga kapulisan ang mga tumakas na mga suspek.