-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Umabot sa 10 kaso ng pagkasugat mula sa mga paputok ang naitala ng Police Regional Office (PRO) 6 mula Disyembre 21 hanggang Enero 1, 2024 sa lalawigan ng Aklan.
Base sa datos ng PRO-6, nasa ikatlong puwesto ang Aklan sa may pinakamaraming naitalang nasugatan dahil paputok na pinangungunahan ng Negros Occidental na may 26 at 24 naman sa probinsya ng Iloilo.
Samantala walang naitalang namatay na may kaugnayan sa paputok ngayong taon sa buong Western Visayas.