-- Advertisements --
Boluntaryong sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang 10 sa 11 mga akusado sa Horacio “Atio” Castillo hazing case.
Kasalukuyang nasa Death Investigation Division (DID) ng NBI ang 10 akusado.
Nakatakda namang dalhin sa korte ang 10 akusado para ibalik ang warrant of arrest.
Dumating na rin sa NBI ang mga magulang ng 10 akusado kasama ang kanilang mga abugado.
Minarapat ng mga akusado na sumuko sa NBI kesa sa Manila Police District (MPD) na siyang complainant sa kaso.