-- Advertisements --

BOMBO NAGA- Patong-patong na kaso ang pwedeng ipataw ng Estados Unidos kay Kingdom of Jesus Christ Founder and Leader Pastor Apollo Carreon Quiboloy.

Mababatid na Enero 5, 2022 ng ilabas ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) ang wanted poster para kay Quiboloy dahil sa umano’y partisipasyon nito sa labor trafficking scheme.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Edgardo Lopez, abogado sa California USA, sinabi nito na posibleng mapatawan ng kaso an naturang spiritual leaders kaugnay nang conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy at bulk cash smuggling.

Aniya, sa likod ng pagiging Pinoy ni Quiboloy, may mga alegasyon umano na ang ibang mga ilegal na gawain ng pastor ang nagyari sa Estados Unidos kung kaya ang malaking katanungan na lamang umano dito kung i-eextradite si Quiboloy.

Kung mapatunayan umano ng mga awtoridad sa nasabing nasyon na guilty ang Pastor, maaring magsilbi muna ito ng kaniyang padusa sa US bago ipa-deport sa Pilipinas.

Ayon pa sa abogado, posible rin na patawan si Quiboloy ng 10-taon hanggang habambuhay na pagkakakulong.

Sa ngayon, wala pang request ang US government sa Pilipinas upang i-extradite si Quiboloy.