Instant milyonaryo na ngayon ang 10 civilian informants na nagbigay ng impormasyon sa militar kapalit ng neutralization ng 10 threat personalities.
Ayon kay AFP chief Gen. Carlito Galvez, ang impormasyon na ibinahagi ng mga tipsters ay nagresulta sa pagkaka-neutralize sa walong Abu Sayyaf Group terrorists at dalawang communist leaders.
Kabilang sa mga na-neutralize na mga most wanted terrorists ay sina Ahmad Akmad Batabol alias Abdul Basit na may monetary reward na P6.3-million; Muhaiden Abdusalan Uyonf alias Waning Abdusalam na may reward na P3.7-million; Kiro Hamid Sahiron na may P3.3-million reward; Mustapha Guindalangan may P1.2-million; Basit Balahim na may P1-million; Regin Onsing Nazirin P1-milyon; Abdullah Mutalib P6-million; Aldimar Sangkula P600,000; Eduardo Genelsa alias Lando, P5-million at Ricardo Ampan Manili alias Joker na may P4.9-million.
Katuwang ng militar sa pagpapatupad ng law enforcement operations ang PNP.
Si Basit ay kilalang kilabot na terorista, kilalang bomb expert at kasamahan ni Marwan at kabilang sa US Most Wanted Terrorists List.
Tiniyak naman ni Galvez na ang nasabing reward money ay talagang napupunta sa mga informants.
Pagbibigay-diin nito na mayroon silang ethics at professional ang AFP kaya malabo ang mga lumalabas na ulat na mismo mga sundalo ang nagsisilbing informants.
Giit ng heneral, istrikto ang kanilang isinasagawang validation process.