-- Advertisements --

Sinibak ng Russia ang 10 US diplomat nito bilang ganti sa ipinataw na sanctions ng US sa kanila.

Ayon kay Russian Foreign Minister Sergey Lavrov na ang nasabing hakbang ay pantapat sa ginawa ng US.

Dagdag pa nito na matapos nilang matanggap ang ulat na pagpapatanggal ng 10 diplomats nila na nasa US ay nagdesisyon agad si Russian President Vladimir Putin na palayasin din ang 10 US diplomats na nasa kanilang bansa.

Ilalagay naman ang walong US officials sa sanction list subalit hindi naman nito binanggit kung sino ang mga ito.

Magugunitang pinatawan ng US ang Russia ng sanctions dahil umano sa pangingialam sa naganap na halalan at ang SolarWinds cyberattacks.