-- Advertisements --
IMAGE | Abra Provincial Government

BAGUIO CITY – Aabot sa 10 vote counting machines (VCMs) sa Baguio City ang pumalya nang isailalim na ang mga ito sa final testing and sealing nitong Biyernes ng umaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Commission on Elections (Comelec)-Baguio City Election Officer Atty. Reyman Solbita, sinabi niya na agad namang naayos ang mga nasabing VCMs matapos niyang magpatulong sa Regional Technical Support Center.

Aniya, patuloy din ang pagtanggap ng opisina niya sa mga assessment report ng mga gurong nagsagawa ng final testing and sealing sa mga makina.

Sinaksihan naman ng Bombo Radyo News Team ang final testing and sealing ng mga VCMs sa isang polling precinct sa Barangay Session Road kung saan ipinakita ng mga guro ang mga bahagi ng mga makina at tinignan nila kung kumpleto ang bahagi ng mga makina.

Ayon kay Atty. Solbita, 230 na mga VCMs ang na-deploy gamit ang 11 na closed vans kaninang umaga sa ibat-ibang mga polling precincts sa Baguio habang may 22 VCMs na reserba ang lungsod.