-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Sinampahan na ng kaso sa prosecutor’s office ang 10 Vietnamese nationals na lulan ng dalawang bangka na nahuling nangingisda sa karagatang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Bukod sa kasong poaching at pangingisda ng endangered species ay dinagdagan ng kasong obstruction to fishery law enforcement ang limang crew na lulan sa isang bangka na dalawang beses bumangga sa Philippine Coast Guard (PCG) vessel nang nagtangkang tumakas.

Ayon kay Sherwin Bugina ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-2, magkasunod na hinuli ng PCG ang mga dayuhang mangingisda, 6 nautical miles hilagang-kanluran ng Dalupiri island, Calayan, Cagayan madaling araw noong Sabado.

Narekober sa mga bangka ng mga dayuhan ang ibat-ibang uri ng isda kabilang ang mga ipinagbabawal hulihin na nagkakahalaga ng mahigit P80,000.

Sa ngayon ang mga dayuhan ay nasa kustodiya ng BFAR at PCG na nakatakdang dalhin sa korte ngayong araw.