-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Pasok na sa semifinals ng America’s Got Talent Season 16 ang 10-year-old Filipino singer na si Peter Rosalita matapos itong magpabilib sa kanyang “I Have Nothing” performance.

Nabigyan nga ito ng standing ovation ng judges na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Howie Mandel at Sofia Vergara.

Peter rosalita AGT 1

Maliban dito ay napansin pa ito mismo ng team ng yumaong iconic singer na si Whitney Houston, at pinost pa nila ang performance ni Peter sa kanilang official page.

Matatandaang una ng nag-viral ang young contestant matapos ang kanyang audition kung saan inawit nito ang kantang “All By Myself” ni Celine Dion.

Sa naging exclusive interview ng Star FM Baguio sa 10-year-old, una na nitong ibinahagi na excited na siya para sa kanyang mga susunod na performances at dapat itong abangan ng mga manonood.

Thankful din ito sa natatanggap na suporta mula sa mga kababayan niya lalo sa Pilipinas at may special message pa sa mga batang nangangarap tulad niya.

“For the young dreamers out there, keep believing and never give up. [To everyone], thank you for supporting me all the way,” pahayag pa ni Peter.

Si Peter ay born and raised sa Abu Dhabi, UAE, habang mula naman sa Cebu ang kanyang mga magulang.