-- Advertisements --

Pormal ng binigyang kapangyarihan ni Queen Elizabeth II si Captain Sir Tom Moore matapos ang ginawa nitong paglikom ng pondo para sa frontliners na lumalaban sa coronavirus sa United Kingdom.

queen 1
Capt. Moore and Queen Elizabeth/Buckingham photo

Isinagawa ang pagbibigay ng Knighthood sa 100-year-old war veteran sa Windsor Castle.

Gamit ang espada ng kaniyang ama na si George VI, ay binasbasan at ibinigay ang insignia ng Knight Bachelor kay Capt. Sir Tom.

Kasama ni Moore ang anak nitong babae na si Hannah Ingram-Moore, manugang na si Colin Ingram, apo na si Benjie at Georgia.

Unang nabigyan ng honorary title ng colonel si Moore noong nagdiwang ng kaniyang ika-100 na kaarawan.

Magugunitang nakalikom si Moore ng mahigit $30 million para sa frontliners ng United Kingdom.

Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pag-ikot ng 100 laps sa kaniyang hardin sa Marston Moretaine, Bedforshire.

Dahil sa ginawa nito ay pinasalamatan siya ni Queen Elizabeth at maging si British Prime Minister Boris Johnson.