-- Advertisements --

Nasa mahigit 100 katao ang inaresto dahil sa paglabag sa curfew sa Quezon City.

Pawang mga taga- Barangay Payatas at Batasan Hills ang inaresto kagabi.

Sinabi ni Capt. Francisco Lucena IV ng Quezon City Police District Station 6, sa nasabing bilang 30 dito ay mga menor-de-edad.

Pinagsabihan na nila ang mga unang beses na lumabag habang dinala sa PNP station ang nakadalawang beses ng naaresto.

Sasailalim ang pangalawang beses na lumabag ng community servide.