-- Advertisements --

Tiwala si John Kerry ang special envoy on climate change ni US President Joe Biden na malapit nang maisakatuparan ang mahabang pagkaantala ng pangakong magbigay ng $100 billion sa isang taon bilang tulong para sa mga umuunlad na bansa upang malabanan ang global warming.

Ang pinakahuling diplomatic effort sa pangunguna ng Germany at Canada, ay naglalayong abutin ang halagang iyon mula sa mas mayayamang donor na bansa sa taong 2023 – tatlong taon sa likod ng timetable na itinakda noong 2015 sa ilalim ng Paris Agreement.

Ayon kay Kerry, malaki ang kaniyang paniniwala na madagdagan iyon lalong lalo na ang Amerika ay sumali na sa High Ambition Coalition.

Kung maalala, ang Amerika ay umalis sa nasabing coalition nang umalis si dating US President Donald Trump sa Paris accord.

Magugunitang nangako ng $3 billion si Pres. Biden kada taon simula 2024 upang matulungan ang mga umuunlad na bansa na umangkop sa pagbabago ng klima.

Tinawag ito ng Biden administration na “largest US commitment” na kanilang ginawa para lang mapa-reduce ang impact ng climate change sa buong mundo.

Sa naging mensahe ni Biden sa last day ng COP26 leaders meeting, tiniyak nito sa mga world leaders na mangunguna ang Amerika sa paggawa ng hakbang upang malabanan ang climate change. (with reports from Bombo Jane Buna)