Kinumpirma ni US Vice President Mike Pence na pinirmahan na ni President Donald Trump ang executive order na magpapataw ng panibagong sanction laban sa ilang Turkish officials dahil sa patuloy na paglusob nito sa Syria.
Kasunod ito ng utos ni Trump na tuluyang bawiin ang kanilang pwersa militar mula sa northern boarder ng Syria upang maiwasan umano ng mga ito na makipagsagupaan din sa Turkish military.
Ang nasabing executive order ay magbibigay daan din sa Estados Unidos upang patawan ng parusa ang mga opisyal na mapatutunayang sangkot sa human rights abuse at nagsisilbing banta sa kapayapaan, seguridad at kaayusan ng Syria.
“This Order will enable the United States to impose powerful
“Since my first day in office, the Trump Administration has
Tinaasan din ng hanggang 50% ang buwis sa lahat ng Turkish steel na iniaangkat sa US at nanganganib na rin umano ang $100 billion trade negotiation sa pagitan ng dalawang bansa.
Kamakailan lamang nang magbigay ng signal ang Ankara sa plano nitong paglusob sa Kurdis military na malapit sa northern boarder ng Syria kung kaya’t dali-daling ipinag-utos ni Trump na pabalikin ang U.S. military sa Estados Unidos.
Dahil dito, inulan ng kritisismo ang naging desisyon ng American president mula sa ilan niyang ka-alyado tulad nina Congress Sen. Lindsey Graham kung saan ibinasura nito ang hakbang ni Trump at sinabi na handa umano siyang makipagtulungan kay Democratic House Speaker Nancy Pelosi sa isang joint resolution upang baliktarin ang naturang withdrawal.