CENTRAL MINDANAO – Isang daang pamilya mula sa tribu ng T’boli at Blaan sa Barangay Bacong, Tulunan, Cotabato ang nabiyayaan ng bahay mula sa tanggapan ng National housing Authority (NHA) at pormal itong naipamahagi sa presensya ni Governor Nancy Catamco.
Nagbigay pugay ang gobernadora sa liderato ni Tulunan Mayor Reuel “Pip” Limbungan, Vice Mayor Maureen Villamor at mga miyembro ng sangguniang bayan hanggang sa barangay opisyales na syang naging susi ng pagsakatuparan ng proyekto.
“Ang leadership ay hindi kompetisyon, kundi kakayanan na makiisa, magsulong ng kooperasyon at maging inspirasyon upang makamit ang tagumpay o mithiin,” ani gobernadora sabay papuri sa naging tagumpay ng LGU.
Dagdag nya, nagawang maipakita raw ng liderato ni Mayor Limbungan kung papanu kumilos at magbigay benipisyo sa mamamayan.
Nagbalik tanaw naman si Mayor Limbungan sa sakripisyo ng lahat at pag-aasikaso ng mga dokumento at kooperasyon ng homeowners at nang Presidente nito na si Gaudencio Ogit Jr.
Labis naman ang pasasalamat ni Barangay Chairman Victor Acac, sa lahat ng ahensya na tumulong sa kanila. Kanya rin hiniling ang dagdag pang kabahayan para sa mga residente na nangangailangan rin ng tulong.
Hiniling din ni Chairman Acac, sa butihing Gobernadora na maisaayos ang kanilang Farm to Market Road (FMR) dahil kabilang ito sa mga prioridad nila. Agad naman itong tinugon ng Gobernadora kasama si Engr. Jun Duyungan ng Provincial Engineering office.
Sa panig ng NHA, sinabi ni NHA Regional Manager Engr. Erasme Madlos, na bukas ang kanilang tanggapan sa hiling ng pabahay, lalo na mula sa mga indigenous peoples o tribu dahil bahagi sila ng prayoridad ng pamahalaan na matulungan.
Kasabay ng okasyon ay namahagi ng planting material at abono ang Gobernadora sa aabot 60 farmers sa barangay.
Dumalo sa aktibidad sina Board Member Dulia Sultan, BM Jomar Cerebo, BM Alberto Rivera, BM Jonathan Tabara at BM Ivy Martia Lei Dalumpines-Balitok. Mula sa LGU Tulunan, si Mayor Pip Limbungan, ViceMayor Maureen Villamor, SB Member Jojo Ortizo, Joe Paja, Aba Sernal, Jun Suarez Arthur Taasan, Rogie Lantoria at Ontoy Angulo.