-- Advertisements --

Aabot sa 100 bahay ang natupok sa sunog Brgy. Alabang, Muntinlupa City kaninang madaling araw.

Apektado sa nasabing sunog ang nasa 300 na pamilya.

Dahil sa laki ng sunog ay itinaas sa alert level 3 ng Bureau of Fire Protection ang nasabing sunog.

Nagtulong-tulong na ang mga residente para maapula ang nasabing sunog.

Umaabot pa sa mahigit na dalawang oras bago maideklara ng BFP na fire under control ang nasabing sunog.

Inaalam pa rin ng mga kasapi ng BFP ang sanhi ng nasabing sunog.