-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nakapagtala ang bansang South Korea ng E. coli bacteria outbreak sa gitna ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nasabing bansa.

Sa ulat sa Bombo Radyo Baguio ni Bombo International Correspondent Ruel Toquero, sinabi niya na umabot sa 100 na preschoolers at isang guro sa Jeju-do Province, South Korea ang nahawaan ng E. coli bacteria ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon sa kanya, bigla ang pagkalat ng nasabing sakit pagkatapos na nadiskubre ang kauna-unahang pasyente noong Hunyo 18.

Dagdag nito, sinabi ng isang opisyal sa isang house center doon na aabot sa 31 ang naitakbo sa hospital kung saan karamihan sa kanila ay nakitaan ng kidney failure pagkatapos nahawaan ang mga ito ng nasabing sakit.

Dahil dity, umaapela ang mga otoridad doon sa mga nagkaroon ng nasabing sakit na mag self-isolate sa kanilang kabahayan dahil delikado at nakakatakot na madaling mahawa ang isang indibidual sa pamamagitan ng close-contact gaya ng coronavirus.