-- Advertisements --
image 338

Nagsagawa ng orientation ang MMDA Traffic Discipline Office para sa 100 na body cameras na gagamitin ng mga traffic enforcers sa kanilang traffic management operations.

Layunin nito na maging pamilya sa technical specifications, features at parte ng gadget ang mga enforcers.

Itong battery ng camera raw ay tatagal ng hanggang 8 oras sa para sa isang personnel.

Connected o nakalink raw itong mga body cameras sa MMDA command Center sa Pasig City, upang magamit na ebidensiya para sa mga may reklamong nahuli.

Isandaang body-worn cameras ang ipapamahagi sa mga traffic enforcers ng MMDA na nakatalaga sa apat na magkakaibang lugar sa Metro Manila.

Ang 100 na body cameras ay inisyal na nakatalaga sa Katipunan, Sta. Mesa, Ortigas, at Timog upang magamit ng mga enforcers.

Sa susunod pang mga buwan, asahan naman raw na madadagdagan pa ito dahil ito raw ay malaki ang maitutulong upang malabanan ang pangungutong.