Sasama ang kabuuang 100 civilian fishing boat sa convoy na tutungo sa Scarborough shoal sa Mayo 15.
Ayon sa Atin Ito Coalition, ang 2 mother boats ang mangunguna sa civilian mission na layuning magdala ng mahahalagang suplay para sa mga maningisdang Pilipino na nandoon sa naturang karagatan.
Sinabi ni Atin Ito coalition co-convenor Rafaela David na ang pangunahing layunin ng naturang misyon ay magsagawa ng peace and solidarity regatta sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas kung saan ang mga simbolikong markers o boya na may nakalagay na ‘WPS, Atin Ito” ay ilalagay para igiit ang territorial integrity ng ating bansa.
Sinabi din ni David na kanilang i-explore ang posibilidad ng pagdadala ng essential supplies kabilang ang langis para sa mga mangingisdang Pilipino doon sa Scarborough shoal.