ILOILO CITY – Pormal nang nagsumila ang 100-day countdown para sa Iloilo Dinagyang Festival 2020.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga opisyal sa Lungsod ng Iloilo kung saan naging panauhing pandangal naman sina Department of Tourism Sec. Bernadette Rumulo-Puyat, Sen. Franklin Drilon at dating senator Bam Aquino.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Eric Divinagracia, Chairman ng Artistic Committee ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated, sinabi nito na sa pag-umpisa ng countdown, makikita ang mga pasabog na dapat asahan sa Dinagyang Festival na gaganapin sa Enero 18-26, 2020.
Ayon kay Divinagracia, mas tutuunan na ngayon ng pansin si Sr. Sto. NiƱo na siyang sentro ng selebrasyon.
Ang Dinagyang 360 degrees ayon kay Divinagracia ang magbibigay ng pagkakataon sa lahat na makita ang mas pina level-up na performace ng walong competing tribes kung saan babawasan na ang paggamit ng malalaking risers sa performance.
Inanyayahan din ni Divinagracia ang lahat na sumaksi sa mas enggrandeng Dinagyang Festival.