Sinindihan na ang Olympic torch para sa Paris 2024 Olympic Games sa Olympia.
Ang nasabing seremonya ay hudyat ng huling paghahanda matapos ang pitong taon na pagpaplano para sa torneo na magsisimula sa Hulyo 26.
Nanguna ang Greek actress na si Mary Mina na siyang gumanap bilang high priestess na nagsimulang pailawan ang Olympic torch.
Dahil sa nakakaranas ng sama ng panahon ay gumamit sila ng backup flame para sa simula ng relay sa Greece at France.
Magtatapos ang nasabing torch relay sa Paris na siyang magiging host ng Olympic ngayong taon.
Ito na ang pangatlong beses na naging host ang Paris na ang una ay noong 1900 at 1924.
Sa talumpati ni International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach, ang Olympic ay siyang magbibigay ng pag-asa lalo na sa mga nararanasang kaguluhan at giyera sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Ang Olympic flame ay opisyal na ipapasakamay sa Paris Games organizers sa Athens Panathenaic stadium sa Abril 26 matapos ang 11-araw na relay sa Greece.
Dadalhin ito sa France kung saan darating ito sa Marseille sa Mayo 8 kung saan inaasahan ang 150,000 katao ang manonood sa seremony kapag dumating na sa lugar.
Ang torch relay sa France ay magaganap ng 68 araw at ito magtatapos sa Paris para sa pagsisimula ng pagpapasindi ng Olympic flame sa Hulyo 26.