Sa unang pasada pa lamang ng kanyang unang talumpati sa joint session ng US Congress, agad nang idineklara ni US President Joe Biden na bumangan na ang Amerika mula sa pagkakadapa at handang ng makipagkompetisyon sa buong mundo lalo na sa China.
Sa isang oras at limang minuto na haba ng speech, naging ambisyoso at malawakan ang mga paghahangad at kahilingan ni Biden lalo na sa mga panukalang batas na sana ay ipasa kaagad ng kanilang Kongreso.
Ayon kay Biden, na nataon ang talumpati sa loob ng 100 araw sa puwesto, ay upang ianunsiyo rin na sa gitna ng worst pandemic nitong siglo, nandiyan din naman ang malaking oportunidad.
“Now, after just 100 days, I can report to the nation: America is on the move again. Turning peril into possibility. Crisis into opportunity. Setback into strength,” ani Biden. “And today, that’s what we’re doing: America is rising anew.”
Ipinagyabang ni Biden na lumagpas pa sa kanyang target ang nabakunahan na mamamayan ng Amerika na umabot na sa 220 million sa loob lamang ng 100 days.
“Today, 90% of Americans now live within 5 miles of a vaccination site. Everyone over the age of 16, everyone – is now eligible and can get vaccinated right away. So get vaccinated now.”
Kasabay nito, hiniling ni Biden sa Kongreso ang pagpasa sa kanyang American Jobs Plan na tinawag niyang “largest jobs plan” mula noong World War II.
Gayundin ang batas sa $15 na minimum wage sa mga manggagawa, pagreporma sa pagbubuwis lalo na sa mga mayayaman.
“The American Jobs Plan will create millions of good paying jobs – jobs Americans can raise their families on. And all the investments in the American Jobs Plan will be guided by one principle: “Buy American.”
Aniya, kung tutuusin daw nasa 20 million Americans ang nawalan ng trabaho sa gitna ng pamdemya pero halos 650 billionaires naman ay tumabo pa sa kanilang yaman ng mahigit sa $1 trillion.
“Together, let’s extend the Child Tax Credit at least through the end of 2025. The American Rescue Plan lowered health care premiums for 9 million Americans who buy their coverage under the Affordable Care Act. Let’s make that provision permanent so their premiums don’t go back up…. Let’s lower deductibles for working families on the Affordable Care Act, and let’s lower prescription drug costs.”
Kinonsensiya rin ni Biden hindi lamang ang mga kapartido sa Democrats kundi sa Republican na ipasa na ang malawakang police reform act dahil sa pandemic na ang gun violence sa Amerika.
Nakiusap din ang presidente na ipasa rin ng Kongreso ang COVID-19 Hate Crimes Act upang maproteksiyunan ang mga Asian Americans at mga Pacific Islanders.
Naikwento rin ni Biden ang pakikipag-usap niya kay Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping.
Mensahe raw ni Biden sa China, mananatili ang pagpatrolya ng kanilang mga barkong pagdigma sa South China Sea hindi upang makipaggiyera kundi para iwasan ito.
“I also told President Xi that we will maintain a strong military presence in the Indo-Pacific just as we do with NATO in Europe – not to start conflict – but to prevent conflict,” dagdag pa ni President Biden. “And, I told him what I’ve said to many world leaders – that America won’t back away from our commitment to human rights and fundamental freedoms.”
Ang talumpati ni Biden ay pambihira na kadalasan ay ginagawa sa tuwing buwan ng Enero bilang State of the Union Address.
Liban nito nasa 200 lamang na mambabatas ang nasa loob ng US Capitol sa halip na mahigit 1,000 kasama ang mga bisita.
Kakatwa rin ang tanawin na sa unang pagkakataon ay dalawang babaeng lider ang nasa likod ni Biden habang siya ay nasa podium.
Ito ay sina Vice President Kamala Harris at House Speaker Nancy Pelosi.
Kaya naman sa panimulang bati pa lamang ni Biden inihayag niya ang mga salitang ganito, “Madame Speaker. Madame Vice President. No president has ever said those words from this podium, and it’s about time.”