WASHINGTON DC – Hati ang pananaw ng mga mamamayan ng America at maging ng international community sa mga nagawa ni US President Donald Trump sa nakalipas na 100 araw niya sa puwesto.
Sa loob kasi ng mahigit tatlong buwan, binago ni Trump ang pandaigdigang kaayusan na itinayo ng Estados Unidos sa loob ng walong dekada.
Pinatibay niya ang militar at negosyo sa loob ng bansa ngunit nagpatupad ng unilateral na pananaw sa international arena.
Nagbalik siya sa mga lumang ideya ng expansionism, na naglalayong kontrolin ang Panama Canal, Greenland, at Canada.
Nagpatupad siya ng malawakang taripa laban sa mga kaibigan at kalaban, ngunit bukas din sa mga kasunduan sa China at Russia.
Sa kaniyang unang 100 araw, kinatigan niya ang ilang posisyon ng Moscow habang inalisan ng suporta ang Ukraine.
Ang kaniyang mga hakbang ay nagdulot ng malaking pagbabago sa pandaigdigang ekonomiya at diplomatikong relasyon.