-- Advertisements --

Pinauwi na rin ang halos 100 inaresto kaninang madaling araw sa bahagi ng Quezon City sa isang bar sa Tomas Morato.

Ayon sa QCPD nag-party umano ang mga ito kahit lagpas na sa quarantine curfew.

Liban dito lumabag din umano ang bar sa protocol na dapat panatilihin ang physical distancing.

Sa pagsalakay ng mga otoridad kabilang sa kanilang dinala sa Barangay South Triangle covered court ay mga empleyado, customers at ilang dayuhan.

Pinayuhan din ang mga ito matapos sermunan at tiketan.