-- Advertisements --

Pumalo na sa 100 ang bilang ng mga nasawing doctor mula ng magsimula ang coronavirus pandemic noong Pebrero.

Ayon sa Italian Association of Doctors, 80 sa mga dito ay nagtrabaho sa northern Italy ang lugar kung saan may pinakamaraming nasawi.

Umabot naman sa 13, 522 na mga health workers ang nadapuan ng virus.

Nagtala na rin ang Italy ng kabuuang 17,669 na nasawi na mayroong 95,262 ang nadapuan.