-- Advertisements --

DHAKA, Bangladesh – Aabot sa 100,000 residente sa Bangladesh ang inilikas dahil sa inaasahang hagupit ng malakas na bagyong “Bulbul.”

Partikular na pinalipat ng lugar ang mga naninirahan sa itinuturing na low lying areas at coastal villages.

Ayon sa ulat ng kanilang Meteorological Department, may lakas ng hangin ang sama ng panahon na papalo sa 120 kph.

Ayon kay Disaster Management Secretary Shah Kamal, nagdeklara na sila ng highest alert para pigilan muna ang byahe ng mga sasakyang pandagat at mailikas ang mga mamamayang maaaring tamaan ng bagyo.

Sa kabuuan, target umano nilang mailikas ang nasa 1.5 million na nasa mapanganib na lugar. (AFP)