GENERAL SANTOS CITY – Nasunog na rin doon sa Australia ang mga baka na import pa mula sa GenSan.
Ito ang iniulat ni Bombo correspondent Vince Tacumba Milan na residente ng Queensland, Australia.
Ayon sa dating executive director ng GenSan Chamber of Commerce and Industry, 100,000 na baka ang nasunog kaya naitala na sa 321 milyong dolyar ang danyos sa agrikultura.
Dagdag pa nito na naglaan na ng dalawang bilyong dolyar ang gobyerno para sa recovery, kasabay ng paghahanap ng ibang solusyon.
Dahil aniya sa nagpapatuloy na sunog, maraming lugar ang kinain ng apoy at hindi pa mapasok ng mga fire volunters dahil sa kawalan ng daan.
Sinabi pa ni Milan, umabot na sa capital city na Canberra ang apoy at apektado na rin ang Kangaro island kung saan naninirahan ang mga koala at sea lions.