-- Advertisements --
Inaasahang 100,000 na dating mga rebelde ang makikinabang sa amnesty program na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang taon.
Ito ay ayon sa pagtataya ng National Amnesty Commission na ibinahagi ni commissioner Nasser Marohomsalik nitong Sabado sa isang news forum.
Ayon kay Marohomsalik, tentative pa lang ang naturang numero subalit karamihan umano sa mga aplikasyon ay mula sa Moro Islamic Liberation Front.
Dagdag pa nito, libo-libo pa raw ang nakalinya sa aplikasyon at ginagawa ito ng mga organisasyon na nabigyan ng amnesty, ang MNLF, MILF, CPP, at Kapatiran.
Ayon sa 1987 Constitution, may kapangyarihan ang presidente ng Pilipinas na magbigay ng amnesty basta may concurrence ng majority ng miyembro ng Kongreso.