-- Advertisements --

Nasa mahigit 100,000 residente ng Mumbai, India ang inilikas dahil sa banta ng malakas na bagyo.

Inaasahan kasi na maglandfall nitong Miyerkules ang Cyclone Nisarga.

Ito ang unang pagkakataon na tamaan ng malakas na bagyo ang India sa loob ng 70 taon.

Huling tinamaan ang Mumbai ay noong 1948 kung saan 12 katao ang nasawi at 100 ang nasugatan.

May dalang lakas na hangin ang Cyclone Nisarga na 100-110 kilometers at pagbugso ng hanggang 120 kph.