-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Halos 100 kabahayan ang napinsala ng naranasang storm surge sa ilang bayan sa lalawigan ng Catanduanes dulot ng sama ng panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Roberto Monterola, Operations Section Chief ng PDRRMO Catanduanes, inabot ang mga kabahayan ng daluyong dulot ng mga malalakas na alon.

Nasa 20 kabahayan sa isang coastal barangay sa San Andres ang napinsala habang 79 na kabahayan naman mula sa limang coastal barangays sa
Caramoran kung saan lima dito ay totally damage.

Ayon kay Monterola, lahat gawa sa light materials ang naturang mga kabahayahan kung kaya’t hindi kinaya ang malakas na hampas ng naglalakihang mga alon.

Sa bayan ng Caramoran, nasa 104 na pamilya o 404 na indibdiwal ang naapektuhan habang 20 pamilya naman sa San Andres.

Nananatili muna ang mga ito sa mga kapitbahay at inilatag na mga emergency shelter ng mga lokal na pamahalaan.

Hindi muna kasi hinihikayat na bumalik ang mga residente sa kanilang bahay dahil delikado pa.

Samantala, binigyan na rin ng tulong ang mga apektadong residente tulad ng food packs at hygiene kits.