BOMBO LAOAG – Patuloy pa rin ang clearing operation matapos ang nangyaring landslide sa bahagi ng Sitio Banquero Brgy. Pancian sa bayan ng Pagudpud dito sa Ilocos Norte.
Ayon kay Brgy. Chairman Jessie Chris Lagundino sa naturang barangay, may ilang araw na ring may nangyayaring pagguho ng lupa sa lugar dahil sa nararanasang pagbuhos ng ulan sa nasabing bayan.
Sinabi nito na ang huling nangyaring landslide sa lugar ang pinakamatindi kung saan buong kalsada ang natabunan ng lupa.
Aniya, dahil dito ay hindi na makadaan ang mga tao at mga sasakyan patungo sa naturang bayan.
Ipinaalam niya na dahil din sa nangyaring landslides ay may ilang poste ng kuryente na natumba na naging dahilan ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa Brgy. Pasaleng at Pancian, kasama na ang buong bayan ng Adams ngunit matapos ang ilang oras ay naibalik rin ito.
Dagdag niya na halos dalawa hanggang tatlong daang metro ang haba ng mga na-stranded na mga sasakyan at ilan sa mga ito ay napilitan na lamang na bumalik at huwag nang ituloy ang biyahe.
Samantala, base sa huling datos ng Provincial Government of Ilocos Norte may dalawampung bus, dalawampung cargo trucks, dalawampu’t limang SUV, dalawampu’t limang van at sampung motorsiklo ang na-stranded habang umabot naman sa isang daang katao
Sa ngayon ay nakakaranas pa rin ng pag-ulan ang bayan ng Pagudpud at hindi pa matukoy kung kailan matatapos ang isinasagawang clearing operations ng Departent of Public Works and Highways.