-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Umaabot sa 100 ng mga residente sa Kabacan Cotabato ang dinampot ng kapulisan sa hindi pagsusuot ng facemask.

Ayon kay Kabacan Chief of Police,Major Peter Pinalgan, ang mga inaresto ay naaktuhang hindi nakasuot ng face mask.

Sa umiiral ng public health emergency sa bansa inatasan ang lahat na magsuot ng facemask,magpatupad ng social distancing at iba pa.

Mariin itong pinatutupad ng Provincial Government ng Cotabato at LGU-Kabacan kontra Covid 19.

Maliban sa ibinilad sa araw ang mga hinuli ay nagsagawa rin ng profiling ang pulisya at kinausap ang lahat na sumunod sa ipinapairal na kautusan.

Muli namang hinimok ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr ang publiko na sumunod sa umiiral na batas ng bayan at lalawigan.

Nagpaalala si Mayor Guzman at Major Pinalgan sa mga kapitan ng bawat barangay na tumulong sa pagpapatupad ng batas sa pagsusuot ng face mask.