-- Advertisements --

KALIBO CITY – Sa kabila ng ginawang rehabilitasyon nakahakot pa rin ng nasa 100-kilo ng basura ang mga otoridad sa ginawang underwater clean-up sa Boracay Island, Aklan.

Nagsanib pwersa ang Philippine Coast Guard at Business Administration of Scuba Shop Divers sa naturang aktibidad.

Layunin daw nito na maubos ang presensya solid waste sa dagdag at mapaigting ang kaalaman sa mga lokal at turista hinggil sa pangangalaga ng kalikasan.

Tinawag na “scubasurero” ang halos 70 divers at uniformed men na sumali sa paglilinis.

Kabilang sa mga nakuhang basura sa lugar ay mga bakal, debotelyang plastic, kahoy, mga damit, lubid na nylon, mga lata at iba pa.