-- Advertisements --

Pagsisikapan ng Moderna na makaggawa ng 100 hanggang 125 million doses ng COVID-19 vaccine sa unang kwarter ng taong 2021.

Ang pinakamaraming bilang umano na makakuha ng bakuna ay ang Estados Unidos na aabot sa 85 hanggang 100 million doses.

Ipapamahagi naman nila ang 15 hanggang 25 million doses sa ibang bansa.

Kinumpirma naman ng Moderna na nasa 20 million vaccines doses ang kanilang ibibigay sa Amerika bago matapos ang taong 2020.

Pinagtatrabahuan ng kompaniya ang kanilang supply at production chain sa Amerika sa loob ng maraming buwan, bilang paghahanda para sa inaasahang pag-apruba ng emergency ng bakuna ng US Food and Drug Administration (FDA).

Para sa lahat ng mga bansa sa labas ng Estados Unidos, magaganap ang produksyon sa Switzerland.

Plano naman ng US officials, na mamahagi sila ng 40 million vaccines doses nitong taon kasama ang Pfizer-BioNTech.

Ibig sabihin, aabot sa 20 million katao ang maaaring mabakunahan nitong taon. (with report from Bombo Jane Buna)