-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Namahagi ng abot sa 200 bags ng coconut salt fertilizer ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.

Ito ay isinagawa sa Brgy. La Esperanza, Tulunan Cotabato kung saan 100 magsasaka ng niyog mula sa nasabing bayan ang nakatanggap ng nasabing farm inputs.

Bilang kinatawan ng coconut farmers association pinasalamatan ni Tulunan Coconut Farmer’s Municipal Federation President Joel Belonio ang probinsya sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa tulong na ipinaabot nito sa mga magsasaka ng niyog sa bayan.

“Gapasalamat gid kami sa makanunayong bulig sa mangunguma nga gihatag sa provincial government kag ni Gov. Lala,” pahayag ni Belonio.

Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni Governor Mendoza sinabi ni Board Member Joemar S. Cerebo na ang pamahalaang panlalawigan ang nagsusumikap na matugunan ang pangangailangan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

“Ang probinsya sa Cotabato sa leadership ni Gov. Lala Taliño Mendoza gapaningkamot nga ang aton mga programa mapaabot gid naton sa nagkalain-lain nga sektor sang aton nga probinsya.”

Bago ang pamamahagi ay nagbigay din ng oryentasyon hinggil sa tamang paglalagay ng fertilizer ang opisina ng OPAg sa pamamagitan ni OPAg Crops Division Head Remedios M. Hernandez.

Nasa nasabi ring aktibidad si La Esperanza Brgy. Chairman Erwin B. Angulo at Coconut Provincial Coordinator Rugaya Acoy.