-- Advertisements --

Nakauwe na mula sa bansang Bahrain ang nasa 100 na mga stranded na overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dumating sa bansa ang mga nasabing mga OFW noong Enero 1, 2022 sa isang special repatriation flight.

Sasailalim naman sa isang facility-based quarantine ang mga bagong dating OFWs, alinsunod sa ipinatutupad na health protocols ng bansa kabilang na ang COVID-19 RT-PCR test.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola sa mga partners ng gobyerno, mga ahensya ng pamahalaan,at mga private sectors na nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang isinagawang repatriation flights para sa mga kababayan nating OFW.

Ipinangako naman ng opisyal na magpapatuloy ang DFA sa kanilang sinumpaang tungkulin na pangalagaan at protektahan ang karapatan ng mga OFW.