-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Abot sa 100 na motorsiklo ang na-impound ng pinagsamang puwersa ng Kabacan PNP, Mlang PNP, Carmen PNP, Matalam PNP, 1st and class mobile forces ng PNP, at mga force multipliers sa isinagawang Oplan Lambat Bitag sa bayan ng Kabacan Cotabato.

Ayon kay Kabacan OIC Chief of Police ,Lieutenant Colonel Irish Hezron Parangan, karamihan sa kanilang na-impound ay walang maayos na dokumento, walang drivers licesnse at mga paglabag sa batas trapiko.

Nagpasalamat naman si Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman sa mga pulis. Aniya, isa itong paraan upang mahuli ang mga lumalabag sa batas.

Tiniyak naman ng alkalde na hindi ito ang huling pagsasagawa ng lambat bitag bagkus ito pa palang ang simula.

Ang mga pulis ay pumwesto sa Aringay, Malanduague, Katidtuan, at Osias sa bayan ng Kabacan Cotabato.