-- Advertisements --
Nagsama-sama ang nasa 100 na musikero sa Laguna at tinugtog ang kantang “Narda” ng bandang Kamikazee.
Binuo ito ng independent music production company at isinagawa ito sa Old Calamba Plaza nitong Sabado ng umaga.
Ayon sa Musika Laguna, na nais nilang bumuo ng rock mob bilang paraan ng promosyon ng Original Pilipino Music (OPM).
Bukod sa kantang “Narda” ay kinanta rin ng mga lumahok ang “Salamat” ng The Dawn, “Laguna” ng Sampaguita at “Awit ng Kabataan” ng Rivermaya.