Halos 100 na pulis sa Central Visayas ang i-dideploy sa Bicol region para sa emergency response at para matulungan ang gobyerno sa mga sakuna dulot ng bagyong Rolly.
Ayon kay Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro, director ng Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7), ito ang kanilang tugon sa Camp Crame na humingi ng tulong para sa relief, search at retrieval operations sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Rolly.
Dagdag din ni Ferro na nakipagtulongan rin sila sa Philippine Coast Guard (PCG) upang magbigay ng clearance sa mga police na magbibiyahe patungong Bicol region.
Siniguro rin na hindi maaapektuhan ang mga implementasyon sa mga quarantine at health protocols sa Central Visayas, lalong lalo na sa Cebu City.
Nananawagan rin ang PRO7 sa publiko na may opisina na bukas para tumanggap ng mga donasyon para sa mga pamilyang sobrang naapektuhan ng bagyong Rolly, kung saan ito ang pinaka malakas na bagyo ngayong taon.