-- Advertisements --

Lumutang ngayon ang isyu na maaaring bawasan ng 20% ang mga tinatanggap na sweldo ng may 100 mga NBA executives sa iba’t ibang dako ng mundo.

Ang hakbang ng liga ay gitna na rin nang nagpapatuloy na lockdown ng mga laro mula pa noong March 11.

Sinasabing maaaring tamaan ng kaltas sa sweldo ang mga top earning executives.

Una nang inamin ni NBA commissioner David Stern na malaki na ang kalugian ng liga dahil sa epekto ng global health pandemic.