Aabot sa isang daang pamilya ang nakatanggap ng PAMANA housing units mula sa gobyerno sa Sirawai, Zamboanga del Norte at Tungawan, Zamboanga Sibugay.
Ang naturang mga proyekto ay mula sa Department of Social Welfare and Development at pakikipagtulungan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.
Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Undersecretary Alan Tanjusay, na ito ay parte lamang ng national peace agenda investments ng kasalukuyang administrasyon.
Layon din nito na matulungan ang mga conflict-affected at vulnerable communities sa bansa.
Naisakatuparan ang proyektong ito sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Modified Shelter Assistance Program ng gobyerno.
Tiniyak naman ng DSWD Official na mas marami pang bilang ng mga pabahay ang kanilang ipapamahagi sa mga nangangailangang pamilya sa Tungawan at sa Sirawai.