-- Advertisements --
ship on fire Dapitan 3
Photo credit to Fred Castro

(Update) Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na tatlo na ang patay sa nasunog na pampasaherong barko sa karagatang sakop ng probinsya ng Zamboanga del Norte kaninang madaling araw.

Sinabi ng PCG headquarters sa Maynila, kabilang sa nasawi ang isang taong gulang at walong buwan na bata, edad 60-anyos na pasahero at isa pa.

Bago ito, umaabot na sa 110 pasahero ang nailigtas at ilan pa ang missing sa naturang trahedya.

Ayon sa naunang impormasyon biglang nagliyab ang MV Lite Ferry 16, isang roll-on-roll-off (Ro-Ro) vessel na malapit na sana sa daungan ng Dapitan City.

Kuwento sa Bombo Radyo sa isa sa mga nakaligtas na pasahero ang journalist na si Fred Castro, dahil sa laki ng apoy ay nagtalunan ang ilang mga pasahero sa barko habang ito ay nasusunog dahil sa nerbiyos at labis na panic.

ship on fire dapitan
Photo courtesy from Fred Castro

Ayon kay Castro, pasado alas-11:00 umano ng gabi nang mangyari ang sunog at himbing na himbing na ang lahat sa pagtulog.

Nagising na lamang daw sila sa alarma ng barko na nasusunog na ang bahagi nito.

Nangyari ang sunog, isang oras bago dumaong ang barko.

Kuwento pa ni Castro sa Bombo Radyo, tinatayang alas-2:00 na ng madaling araw nang ma-rescue sila mula sa dumaan na fast craft.

Ang barko ay umalis dakong alas-6:00 kagabi mula sa Samboan, Cebu City at patungo ito ng Dapitan City.

May lumutang din na impormasyon na nagsimula ang apoy sa bahagi ng engine room.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang inilunsad na rescue operation ng Philippine Coast Guard, PNP-Maritime at iba pang mga otoridad doon sa mga pasaherong tumalon sa barko at kasalukuyan pang nawawala.

fred castro
Journalist Fred Castro

May nagsasabi na nasa 37 pang pasahero ang missing.

Sa impormayon namang nakalap ng Bombo Radyo Cebu mula sa PCG, nasa 137 lahat ang sakay ng barko at 109 dito ay mga adults, 24 ang mga bata at apat naman ang mga infants.

Iniulat ni apprentice seawoman Aljin Guambot ng PCG-7 na darating sana ang barko sa Dapitan City dakong alas-11:00 kagabi ngunit bigla umanong sumiklab ang sunog sa isang bahagi ng barko.

Hinihintay pa ngayon ng PCG-7 ang resulta ng paunang imbestigasyon para sa assessment.

ship on fire Dapitan 5
Photo courtesy from Fred Castro
survivor ship Dapitan 7
Photo courtesy from Fred Castro
survivors rescued ship Dapitan 9
Photo courtesy from Fred Castro
rescued ship on fire Dapitan 6
Photo courtesy from Fred Castro