-- Advertisements --
Dhamar Yemen
Dhamar, Yemen

Nasa 100 katao ang patay sa magkakasunod na airstrike ng Saudi-led coalition sa isang detention center sa Dhamar City, Yemen.

Ayon sa International Committee of the Red Cros (ICRC) mayroong 40 ibang mga survivors ang naitakbo sa pagamutan.

Nakarinig ng hindi bababa sa anim na air strikes ang mga residente.

Natamaan sa air-strike ang drone at missile site ng mga Houthi rebel movement.

Mula pa 2015 ay patuloy ang kaguluhan sa Yemen matapos na patalsikin ang kanilang pangulo na si Abdrabbuh Mansour Hadi at gabinete at napilitang lumipat sa Sanaa ng Houthis rebel.